Buti pa sa UK, may hiya ang mga politiko, at may PAKI ang mga tao.
It came out recently in the news that members of Britain's parliament were found to have used public funds for personal expenses. Some MPs used it to renovate houses or farms, some used it to pay for mortgage payments, while others were found to have used tax payer's money to pay for sex videos in a hotel. The news came out a few months ago, but the fall out is only being felt now. Ministers and MPs are apologizing, some have even offered to resign. A recent poll even showed that 72% of Britons want polls to be held now as a sign of outrage and disgusts over the scandal. PM Gordon Brown even made apublci apology on behalf of his Labor Partymates.
Buti pa sa kanila, ganyan ang nangyayari. Dito sa atin sa Pilipinas, wala kang makikitang ganyan. Yumayaman ang politoko sa hindi mapaliwanag na paraan, pero ang tao walang ginagawa o walang sinasabi. Ni hindi nga nahihiya na ipakita ng politiko namayaman siya! Dito sa atin, wala kang makikitang politikong hihingi ng tawad dahil nagkamali siya sa paggamit ng pera ng bayan: siya pa nga ang unang magagalit pag hindi siya nabigyan ng kanyang mahiwagang pork barrel. Buti pa sa UK, galit ang mga tao sa mga walang-hiyang politiko...pero dito sa atin, marahil galit nga ang marami, ngunit wala naman silang gustong gawin kasi iniisip nila wala namang mangyayari.
Sana maging halimbawa para sa atin ang ginagawa ng mga taga-Inglatera. Sana mamulat din tayo, sana mainis at magalit din tayo sa mga pagnanakaw, panloloko, at panlilinlang na ginagawa ng ilang kawani sa gobyerno. Hindi namang kailangan punta sa kalye at mag rally. Ipaalam lang natin sa kanila na galit tayo, at ipaalam natin sa kanila na hindi tayo nakakalimot, dahil sa susunod na eleksyon, mas magiging matalino na tayo sa pagpili ng ating mga politiko. Hindi na tayo magpapaloko sa mga walang-hiyang magnanakaw na kunyari lang naman ang pagnanais niyang maglingkod.
No comments:
Post a Comment